KABATAAN NOON VS.KABATAAN NGAYON
Sabi ng lolo at lola ko ang kabataan noon ay iba na ngayon. Sa pananamit, pananalita, at pagsagot sa mga nakatatanda. Maging sa kilos at galaw at sa pag-aaral. Siguro’y dahil sa pagbabago ng henerasyon ngunit ang dala nito’y hindi lahat ay positibo. Kung babalikan natin ang panahon noon makikita talaga ang pagpapahalaga ng pagkatao at kultura at habang ang panahon ay lumilipas unti-unti ring nawawala ang pagpapahalaga ng mga kabatan nito.
Naikuwento rin ng aking mga magulang ang kanilang kabataan noon na sa murang edad ay marunong na silang mag-aararo sa bukid, at maghanap ng pera at makakain. Makikita talaga ang kanilang kasanayan sa gawain sa bukid at ang pagpapahalaga sa maliliit na bagay. Kaya karamihan sa mga kabataan noon ay lubhang seryuso sa pag-aaral upang matuto at makapagtapos. Hindi katulad ngayon hindi na pinapahalagahan ang pag-aaral at naging pabaya na rin. Makikita mo nalang ang mga kabataan sa computer shop, sa mall, sa bar, sa parke kasama ang syota o mga kaibigan at hindi man lang inisip ang kanilang mga magulang na nagtitiis para makakita ng pera na pambayad sa kanilang pag-aaral. Minsan ang pagsagot nila sa kanilang mga magulang ay wala ng respeto, pasigaw-sigaw pa ito kapag hindi sinusunod ang gusto. Hindi ko naman sinasabi na mababait talaga ang mga kabataan noon kaysa ngayon ngunit kadalasan sa kabataan ngayon ay taglay ang masasamang ugali.
Kung ang pag-uusapan naman ay tungkol sa kilos at galaw ng mga kabataan ay talagang nag-iiba na. noon ang mga kabataan ay maliksing-maliksi pagdating sa mga larong pinoy, babad sa araw kalalaro at uuwi sa bahay ng dapit-hapon. Ang pangyayaring iyan ay naranasan ko na, kaya masasabi kong napakaswerte ko kasi naranasan kong maglaro sa labas kasama ang mga kaibigan. Habang ang kabataan ngayon ay matatamlay na, dahil buong araw nakakulong sa kwarto at babad sa paglalaro ng computer games o mga laro na nasa gadgets. Hindi naman masama na bumili ng makabagong teknolohiya ngunit minsan ang sobrang paggamit nito ay nakakasama rin sa kalusugan. At madalas din sa mga kabataan ngayon ay bising-bisi sa pag-ibig na kahit nasa mababang antas sa pag-aaral pa lamang ay mayroon na itong iniibig. Nakakalungkot lang isipin na hindi nila naranasan ang kasiyang dulot ng tunay na kasiyahan ng bata kasi maaga silang umibig kaya maaga rin silang naging sawi. At minsan pa nga ang iba’y nauuwi sa maagang pagbubuntis. Ito’y malungkot na katotohanan
Sa bawat panahon at taong lumilipas mas dumami pa ang mga kabataang nalulong sa mga bagay na ikasasama nila. Kaya ako bilang isang guro sa hinaharap ay kakayanin kong hikayatin sila na gawin ang mga bagay na nararapat para sa ikauunlad ng ating bayan. Ika nga ng ating mahal na bayani “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” Simulan natin ito sa ating sarili upang makamtam ang tunay na tagumpay at masaganang bansa.
No comments:
Post a Comment